Ang panggagamot sa balat sa pamamagitan ng laser ay isang makabagong paraan ng panggagamot na nagkakamit ng patuloy na pagtaas sa paggiging popular nito sa komunidad ng dermatolohika.Ito ay magagamit sa paggamot sa maraming kondisyon sa balat,katulad ng acne o malalalim na tagyawat,pagkulobot ng balat,at maging ang pantay na pagpapaputi ng balat.Ito din ay itinuturing ng marami na nagbibigay ng malaking benepisyo sa pagbawas o pagpusyaw ng maitim na bahagi ng balat o maitim na peklat.Kung ang maiitim na bahagi ng balat at maitim na peklat ay nagiging sanhi ng iyong pagkabahala at gusto mo mabawasan ang kanilang hitsura,maaring isaalang-alang muna ito bilang pagpipilian sa pamamagitan ng pagtimbang sa kalamangan at kahinaan nito bago gumawa ng desisyon na ito.
Ang Kalamangan nito
Mabilis at Kapuna-punang Resulta
Ang pagbabago ay makikita sa loob lamang ng ilang linggo kung ihahambing sa iba pang paggagamot na maaring tumagal ng ilang buwan bago mo makita ang kaunting pagbabago.
Sa pamamagitan ng laser na gamutan,ang maitim na bahagi ng balat at maitim na peklat ay sinisimulan na agad ang proseso ng pagbabalat o pagbabakbak,sa dahilang ito ang natural na reaksyon ng balat,pinapakita ang mas bago,maputi at mas magandang balat.Kapag tapos na ang laser na paggagamot,maayos nitong matatanggal ang mga maiitim na bahagi ng balat.Isa sa mga pagpapaputi ng balat na nagpapakita ng kasiya-siyang resulta.
Propesyonal at Medikal na Pagbabantay
Isa pang malaking bentahe ng laser ng gamutan ay sa dahilang ang pasyente ay nasa ilalim ng pangangalaga ng mga medikal propesyonal para sa buong proseso,na nangangahulugan na kung anumang mga komplikasyon ang mangyari,madali agad itong maaayos ng doctor.
Ang Kahinaan nito
Mahal
Ang gastos sa laser na gamutan ay maaring maging lubhang mahal,kaya hindi ito madali para sa mga katamtamang tao lamang.Dahil ang pagpapaputi na ito ay ginagawa lamang sa isang klinika,kinakailangan din na magkaroon ng pagpapatingin bago at pagkatapos ng gamutan,na nakadaragdag pa sa mataas na nitong halaga,dahilang lalo na itong hindi maabot ng taong may sapat lang na kinikita.
Posibleng epekto nito
Kahit na ang pagpapaputi na ito ay gumagamit ng pinakabagong teknolohiya,mayroon pa ring posibilidad na mayroong hindi magandang epekto ito.
May ilang pasyente na nagpakita ng pamamaga at kung minsan din ay mas lalo pang umiitim ang bahagi na ginagamot.Ang laser na gamutan ay maaaring maging magandang opsyon kung kaya mong tustusan ang lahat ng mga gastos nito.
Matapos mong timbangin ang mga kalamangan at kahinaan nito tulad ng makikita mo sa mga posibleng di-magandang epekto nito,at iba pang panganib at mataas na gastos sa pagpapagamot na ito sa balat,nararapat lang na komunsulta muna sa inyong doktor bago sumailalim sa prosesong ito.
Kung ikaw ay naghahanap ng mabilis,ligtas,epektibo at pagpapaputi na di na dumadaan sa operasyon para sa iyong mga maitim na parte ng iyong balat,kailangan mong subukan ang ilan sa mga natural na pagpapaputi mula dito HERE. Lahat ng mga ito ay gawa sa sangkap mula sa iyong sariling kusina o sa iyong lokal na tindahan,wala silang masamang epekto at palilinawin nila ang iyong balat sa loob lamang ng ilang lingo.
No comments:
Post a Comment